|
||||||||
|
||
Sinabi ni Wang na ang mga pangunahing gawaing diplomatiko ng Tsina sa taong ito ay kinabibilangan ng pagpapasulong sa pagtatayo ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road," pagtataguyod ng mga aktibidad bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World Anti-Facist War, aktibong paglahok sa UN Development Summit at UN Climate Summit, at iba pa.
Sinagot din ni Wang ang mga tanong ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan.
Bilang tugon sa tanong hinggil sa naisasagawang konstruksyon ng Tsina sa ilang isla sa South China Sea, sinabi ni Wang na may soberanya ang Tsina sa naturang mga isla, kaya lehitimo at makatwiran ang mga aksyon ng kanyang bansa at samantala, ito ay hindi nakatuon o makakaapekto sa ibang bansa. Dagdag pa ni Wang, patuloy na mangangalaga ang Tsina sa malayang nabigasyon sa South China Sea, magsisikap para mapayapang lutasin ang mga may kinalamang hidwaan, at magpapatingkad ng konstruktibong papel para sa kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.
Kaugnay naman ng tanong hinggil sa sagupaan sa hilagang Myanmar, sinabi ni Wang na ang isyung ito ay suliraning panloob ng Myanmar. Umaasa aniya ang Tsina na mapayapang lulutasin ang isyung ito, dahil ito ay mahalaga para sa katatagan ng hanggahan ng Tsina at Myanmar, at angkop sa interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Inilahad din ni Wang ang paninindigan ng Tsina sa relasyong Sino-Amerikano, relasyong Sino-Hapones, at mga mainitang isyung panrehiyon at pandaigdig na gaya ng kalagayan sa Korean Peninsula, isyu ng Afghanista, isyung nuklear ng Iran, at iba pa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |