Idinaos kaninang hapon sa Beijing ang ika-2 sesyong plenaryo ng kasalukuyang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Sa sesyong ito, ginawa ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, ang work report ng organong ito. Sinabi niyang sa taong ito, sa pamamagitan ng mga gawain ng lehislasyon, superbisyon, at iba pa, mas mahusay na isasabalikat ng NPC ang mga kapangyarihan, at ibayo pang patitingkarin ang sariling papel para sa pagpapasulong ng reporma, pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at mga iba pang usapin ng bansa.