Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isang taong anibersaryo ng pagkawala ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines

(GMT+08:00) 2015-03-09 17:03:36       CRI

Investigation Group, ipinalabas ang midterm statement

Sa pamamagitan ng Radio Television Malaysia (RTM), ipinalabas kahapon ng Investigation Group ng nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines ang isang pahayag na naglalagom sa kanilang mga pagsusuri. Pero, hindi pa rin ito nakapagbigay ng anumang konklusyon.

Sa nasabing pahayag, inulit ng Investigation Group na ang tanging layunin ng kanilang mga gawain ay iwasan ang muling pagkaganap ng kaparehong aksidente, sa halip na pagbabahagi ng responsibilidad.

Noong ika-8 ng Marso ng taong ito, nawala ang Flight MH370 habang lumilipad mula Kuala Lumpur patungo sa Beijing. Ang eroplanong ito ay may lulang 239 katao na kinabibilangan ng 154 pasaherong Tsino.

Ayon sa mga datos, maaring bumagsak ang eroplano sa Indian Ocean, pero wala pang natuklasang anumang palatandaan hinggil dito.

Gawain ng paghahanap sa MH370, patuloy

Sa isang taong anibersaryo ng pagkawala ng MH370, ipinahayag kahapon ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia na bagama't isang taon na ang nakaraan, hindi pa rin kinakalimutan ng pamahalaang Malay ang paghahanap, at umaasa pa rin itong mahahanap ang flight MH370 sa hinaharap.

Ayon sa salasaysay ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na hanggang sa kasalukuyan, natapos na ng mga personaheng panaklolo ang paghahanap sa 26 libong kilometro kuwadradong rehiyong pandagat. Ito ay katumbas ng 44% ng lahat ng rehiyong nakatakdang galugarin. Anang ministro, bumubuti ang panahon kamakailan, at magpapadala ang panig Malay ng apat na bapor para galugarin ang 1% lugar bawat araw. Aniya, sa pamamagitan nito, maaring matapos sa darating na Mayo ng taong ito.

Kamag-anakan ng mga pasahero ng nawawalang flight MH370: umaasang babalik pa rin ang kanilang mga mahal sa buhay

Kahapon, idinaos ang isang memorial meeting para sa nawawalang flight MH370 at nanawagan ang mga kamag-anakan ng mga nawawalang pasahero at working staff sa pamahalaang Malay na ipagpatuloy ang paghahanap. Buo pa rin anila ang kanilang pag-asang makakauwi ang mga kapamilya.

Anang isang kamag-anakan, mayroon akong isang anak na babae, at tinatanong pa rin niya sa akin: " bakit hindi pa umuuwi si tatay?" Dagdag niya, ito rin ang tanong ko sa mga serch group. Umaasa akong babalik ang aking kapamilya at sana matatandaan ng lahat ng tao ang MH370, aniya pa.

Sabi naman ng isang kamag-anakan ng pasaherong Tsino: isang taon na nawawala ang MH370, at ipinagdarasal pa rin naming ang aming mga minamahal. Gusto naming sabihin sa buong daigdig na isang taon na ang nakaraan, masakit pa rin ang aming damdamin. Miss na miss namin ang mga kapamilya, asawa, magulang at kapatid, dahil sila ay ang lahat para sa amin.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>