Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

【Video】Pagkakaibigan at Pag-uunawaan ng mga Pilipino at Tsino, pinalakas ng Arnis

(GMT+08:00) 2015-03-09 17:15:18       CRI

Nagdemonstrasyon sina Rhio Zablan at miyembro ng NARAPHIL-China ng Arnis

Sa okasyon ng 40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, idinaos kahapon sa Philippine Embassy sa Beijing ang Seminar-Workshop na may temang Arnis: A Bridge Towards Friendship and Better Understanding.

Sa pangunguna at pagpupunyagi ng National Arnis Association of Philippines-China Chapter (NARAPHIL-China), at Embahada ng Pilipinas, idinaos ang mga presentasyon, demonstrasyon, at workshop hinggil sa mahalagang papel ng Arnis sa pagpapasulong ng mas matibay na pagkakaibigan at pag-uunawaan ng mga Pilipino't Tsino; papel na ginampanan ng Arnis sa kasaysayan at tradisyong Pilipino; at mga benepisyong dulot nito sa pagpapaganda ng kalusugan.

Embahador Erlinda F. Basilio

Sa kanyang pambungad na talumpati, ipinahayag ni Erlinda F. Basilio, Embahador Pilipino sa Tsina, ang pag-asang, ang aktibidad na ito ay makakapagpasulong sa pagpapakilala ng kulturang Pilipino sa mga kaibigang Tsino.

Aniya pa, ang Arns ay Pambansang Laro ng Pilipinas, at ang palakasan ay hindi lamang nakakatulong sa malusog na katawan, kundi, itinuturo rin nito sa mga tao kung paano humarap sa mga pagsubok, tungo sa pagtatagumpay sa buhay.

Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng aktibidad na ito, matatanto ng mga kaibigang Tsino ang karakter, pangarap, value, at aspirasyon ng mga Pilipino.

Samantala, ipinahayag din ni Basilio ang pag-asang madaragdagan pa ang pagkakataon ng pagpapalitan ng Tsina at Pilipinas sa larangan ng palakasan para mapasulong ang pagkakaibigan, harmonya at kooperasyon ng dalawang bansa.

Rhio Zablan (nasa pula), Tagapagtatag at Pangulo ng NARAPHIL-China

Sa kanya namang paglalahad, ipinaliwanag ni Rhio Zablan, Tagapagtatag at Pangulo ng NARAPHIL-China, ang hinggil sa ibat-ibang kaalaman, kasaysayan, at papel ng Arnis sa mga mahalagang pangyayaring humubog sa paniniwala, tradisyon at kultura ng mga Pilipino.

Ayon kay Zablan, sa pamamagitan ng pagtuturo ng Arnis sa Tsina, mas mauunawaan ng maraming Tsino ang tungkol sa kulturang Pilipino, at marami ring Pilipino ang mas makakaunawa sa kagawian ng mga Tsino.

Aniya pa, ang Arnis ay isang tulay upang mapasulong at mapalakas ang ugnayan ng mga Pilipino at Tsino.

Frank Olea

Kasama sa mga nagdemostrasyon si Frank Olea, Dalubhasa ng Balintawak Style ng Arnis. Ipinakita at ipinaliwanag niya ang hinggil sa relasyon ng stick, patalim at empty hand teknik sa Arnis.

Vincent Soberano

Itinuro naman ni Vincent Soberano, 8-time World Muay Thai Champion, pioneer ng mixed martial arts sa Tsina, at advocate ng Arnis ang mga benepisyo sa katawan ng pag-aaral ng Arnis. Itinuro rin niya ang mga ehersisyo ng Arnis.

Samantala, inilahad ni Jun Occidental, Dalubuasa ng Estilong Kombatan ang papel na ginagampanan ng Arnis sa mga pelikula. Ipinakita rin niya ang ibat-ibang teknik sa Arnis.

Si Rhio Zablan (nasa pula) at mga kasamahan niya sa NARAPHIL-China

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga personahe mula sa China Association of Martial Arts, Beijing Sports University, ibat-ibang martial art academy sa Beijing, mga kaibigan sa media, at iba pa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>