|
||||||||
|
||
Kasabay ng pagdaraos ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), kamakailan, ang "Four Comprehensives" na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay naging isang mainit na salita na pinapansin ng mga media sa loob at labas ng Tsina.
Sunud-sunod na ipinalabas ang komentaryo hinggil dito ng mga mediyang dayuhan na tulad ng The Diplomat ng Hapon, Lian He Zao Bao ng Singapore at iba pa. Ipinalalagay ng naturang mga media na ang "Four Comprehensives " ay prinsipyong tagapatnubay na pinamumunuan ang konstruksyong pangmodernisasyon ng Tsina na pumasok sa bagong yugto, at ito ay sumasagisag na ang ideya ng pangangasiwa ng CPC ay pumasok sa isang bagong edad.
Kinabibilangan ang "Four Comprehensives" ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, komprehensibong pagpapalalim ng reporma, komprehensibong pamamahala sa bansa alinsunod sa batas, at komprehensibo at mahigpit na pamamahala sa partido.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |