Ipinahayag kamakailan ni Zhang Chunxian, na ginawa na ng kanyang rehiyong awtonomo ang serye ng mga plano para sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" Initiative
Sa kanyang paglahok sa kasalukuyang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina sa Beijing, ipinahayag kamakailan ni Zhang Chunxian, party secretary ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang, na ginawa na ng kanyang rehiyong awtonomo ang serye ng mga plano para sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" Initiative.
Sinabi ni Zhang na ang taong ito ay mahalagang taon ng pagsimula ng "One Belt One Road" Initiative. Ayon sa kanya, ang mga plano ng Xinjiang ay sumasaklaw ng pagtatayo ng mga imprastrukturang pangkomunikasyon, pagtatakda ng mga hakbangin ng pagpapasulong sa kalakalan, pagdaraos ng mga aktibidad ng pagpapalagayan ng mga tao, at iba pa.
Salin: Liu Kai