|
||||||||
|
||
Sa ika-3 sesyong plenaryo ng kasalukuyang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos kaninang umaga, ginawa nina Zhou Qiang, Mahistrado ng Kataas-taasang Hukumang Bayan (SPC) at Cao Jianming, Punong Prokurador ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan (SPP), ang kani-kanilang work report. Ang kapwa ulat na ito ay nagpokus sa bagong round ng repormang hudisyal ng Tsina.
Sapul noong taong 2000, sa pamamagitan ng dalawang round ng repormang hudisyal, nalutas ng Tsina ang maraming isyu sa larangang hudisyal, at ang karamihan sa mga naiiwan ngayon ay mga isyu sa antas ng sistema na mahirap na malulutas.
Nauna rito, ipinalabas ng naturang dalawang organo ang kani-kanilang plano ng reporma, kung saan magkakahiwalay na inilakip ang 65 at 42 misyon. Sa kasalukuyang mga work report, kapwa nila binigyang-diing dapat buong sikap na isagawa ang mga misyong ito, para patuloy na pasulungin ang reporma sa sistemang hudisyal, at ibayo pang isakatuparan ang katarungang hudisyal sa Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |