|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ni Tang Zhimin, iskolar ng Panyapiwat Institute of Management ng Thailand, na ang pagbubukas sa mas mataas na antas na binanggit ng premyer Tsino ay nangangahulugan ng pagbubukas sa mas malaking saklaw, mas mataas na kalidad, at mas positibong atityud.
Sinabi naman ni Ei Sun Oh, dating Kalihim sa Suliraning Pulitikal ng Punong Ministro ng Malaysia, na sa pamamagitan ng naturang plano, makikita ng mga bansang Timog-silangang Asyano ang mas maraming pagkakataon sa pakikipagkooperasyong pangkabuhayan sa Tsina.
Tinukoy naman ni Wang Jiangyu, iskolar ng National University of Singapore, na para mapasulong ang nabanggit na plano, kinakailangan ng Tsina ang mas maraming talentong magaling sa pakikipagkomunikasyon sa iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |