Sinabi kahapon ni Ashton Carter, Kalihim ng Depensa ng Amerika, na di sapat ang tatlong taon para sa pagbibigay-dagok sa Islamic State (IS) at posibleng mas matagal kaysa panahong iniharap ni Pangulong Barack Obama.
Winika ito ni Carter sa pagdinig ng Senado ng Amerika. Aniya, hindi niya sigurado kung mapupuksa o hindi ang IS sa loob ng tatlong taon. Sinabi ni Carter na ang kahilingan ni Obama para sa tatlong taong awtorisasyon sa pagbibigay-dagok sa IS ay naglalayong itakda ang taning para sa pagtasa ng operasyong ito. Dagdag pa niya, ipapasiya ng susunod na pangulo at Kongreso ng Amerika kung palalawigin o hindi ang tagal ng naturang awtorisasyon.
Salin: Liu Kai