Tinukoy kamakalawa ni Khalid Abu Bakar, Police Inspector General ng Malaysia, na kinumpirma na ng panig pulisya ang pagkakakilanlan ng 120 mamamayan nitong sumapi na o nagtatangkang sumapi sa "Islamic State (IS)". Aniya, 70 sa mga ito ay nadakip na, at 50 iba pa ang nananatili pa rin sa Syria.
Ani Khalid, naniniwala ang panig pulisya na sa kasalukuyan, mas malaki kaysa nasabing bilang ang aktuwal na bilang ng mga Malay na kasapi sa IS sa Syria.
Binigyang-diin din niya na dapat isagawa ng Malaysia ang mga angkop na aksyon para mabigyang-dagok ang terorismo, at kung hindi, ito ay magiging mas grabeng problema.
Salin: Li Feng