Nanawagan kamakailan ang Estados Unidos sa Biyetnam na huwag ipaggamit sa Rusya ang base militar sa Cam Ranh Bay para matigil ang pagkarga sa mga bomber ng Rusya na may kakayahan ng atakeng nuklear. Ipinahayag ng Amerika na nagiging mas madalas ang paglipad ng mga bomber ng Rusya sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ayon sa isang opisyal ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, hinimok ng Amerika ang Biyetnam, at huwag ipaggamit sa Rusya ang Cam Ranh Bay para isagawa ang aksyong posibleng magdudulot ng maigting na situwasyon sa rehiyong ito. Aniya pa, iginagalang ng Amerika ang karapatan ng Biyetnam sa pagkakaroon ng kasunduan sa iba pang bansa.
Salin: Li Feng