|
||||||||
|
||
Mga kapamilya ng isa sa mga nasawi sa insidente
Sa panahon ng armadong sagupaan sa hilagang Myanmar, nahulog kahapon ng hapon ang isang bomba ng eroplano ng tropa ng Myanmar sa loob ng Tsina. Ikinamatay ito ng 4 na sibilyang Tsino at ikinasugat ng 9 iba pa.
Kaugnay ng insidenteng ito, ipinatawag kagabi ni Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina si Embahador Thit Linn Ohn ng Myanmar sa Tsina. Nagpahayag si Liu ng buong tinding pagkondena ng panig Tsino sa insidente, at nagharap ng pormal na representasyon sa panig Myanmar.
Sinabi rin ni Liu na hinihimok ng panig Tsino ang panig Myanmar na isagawa ang lubusang imbestigasyon sa naturang insidente, at ipaalam sa panig Tsino ang resulta ng imbestigasyon. Aniya, dapat buong higpit na parusahan ng panig Myanmar ang maykagagawan ng insidenteng ito, at maayos na hawakan ang mga suliraning may kinalaman sa mga nabiktimang Tsino. Dagdag pa ni Liu, dapat agarang isagawa ng panig Myanmar ang mga mabisang hakbangin, para iwasan ang muling pagkaganap ng ganitong insidente, at pangalagaan ang katiwasayan at katatagan sa hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |