Pagkaraang maganap kahapon ang pagbagsak ng bomba ng eroplanong militar ng Myanmar sa loob ng Tsina, na nagdulot ng kasuwalti sa mga sibilyan, pinalakas nang araw ring iyon ng tropang panghimpapawid ng Tsina ang patrolya sa hanggahan ng dalawang bansa.
Sinabi ngayong araw ng tagapagsalita ng tropang panghimpapawid ng Tsina na ang aksyong ito ng panig Tsino ay naglalayong palakasin ang pagmomonitor sa himpapawid ng hanggahan ng Tsina at Myanmar, at pangalagaan ang soberanya ng Tsina sa teritoryong panghimpapawid.
Salin: Liu Kai