Bilang tugon sa kahilingan ng Amerika sa Biyetnam na huwag ipagamit sa Rusya ang base militar sa Cam Ranh Bay, ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Rusya, na hindi nakatuon sa anumang ikatlong panig ang kooperasyong militar ng Rusya at Biyetnam, at hindi ito magsisilbing banta sa kapayapaan at katatagan ng Asya-Pasipiko.
Sinabi rin ng naturang ministri na ikinasisindak ng Rusya ang pagharap ng Amerika ng nabanggit na kahilingan. Dagdag pa nito, may nakatalagang tropa ang Amerika sa maraming bansa sa Asya-Pasipiko, at sa halip ng Rusya, ang Amerika ang siyang nagdudulot ng tensyon sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai