Pumasok na sa ikalimang taon ang krisis ng Syria. Kaugnay nito, nagpalabas kahapon ng magkakasanib na pahayag ang mga organo ng UN sa mga suliranin ng makataong tulong, refugee, kabataan, at tulong medikal, at nanawagan sila sa komunidad ng daigdig na pasulungin ang pagbibigay-wakas sa krisis na ito.
Sinabi rin ng naturang mga organo na nitong apat na taon, sapul nang maganap ang krisis ng Syria, dumadanas ng karahasan, kahirapan, at kalagayang walang pag-asa ang mga mamamayan ng bansang ito, at kinakailangan nila ang mga tulong.
Salin: Liu Kai