|
||||||||
|
||
Nangulo sa pulong si Zhang Dejiang
Sa Great Hall of the People, Beijing — Idinaos kaninang umaga ang Ika-4 Sesyong Plenaryo at huling pulong ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Ipininid din kaninang umaga ang naturang 10 araw na pulong.
Nangulo sa pulong ng pagpipinid si Zhang Dejiang, Pirmihang Tagapangulo ng Presidium at Tagapagpaganap na Tagapangulo ng nasabing pulong. Dumalo sa pulong ang mga lider ng bansa at Partido Komunista ng Tsina na gaya nina Xi Jinping, Li Keqiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan, at Zhang Gaoli.
Sa panahon ng pulong, sinuri at naaprobahan ng halos 3,000 kinatawan ang Government Work Report at iba pang ulat, at nilagom nila ang natamong tagumpay at mabuting karanasan sa mga gawain sa iba't-ibang aspekto ng bansa noong isang taon. Malinaw din nilang iniharap ang pangunahing tungkulin at pagsasaayos ng gawain sa kasalukuyang taon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |