Ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng Sambayanang Tsino at World Anti-Fascist War. Aniya, sa mahalagang okasyong ito, ipinalalagay niyang mahaharap ang relasyong Sino-Hapones sa kapwa pagsubok at pagkakataon.
Winika ito ni Li nang sagutin niya ang may kinalamang tanong sa isang preskong idinaos pagkatapos ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).
Salin: Li Feng