Sa preskong idinaos pagkatapos ng pagpipinid ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongesong Bayan ng Tsina (NPC), sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na may responsibilidad at kakayahan ang Pamahalaang Tsino na buong tatag na pangangalagaan ang seguridad at katatagan sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar para maigarantiya ang seguridad ng buhay at ari-arian ng mga mamamayang Tsino.
Dagdag pa ni Li, nagharap na ang pamahalaan, Ministring Panlabas, at panig militar ng Tsina ng solemnang representasyon sa Myanmar.
Salin: Li Feng