Ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na kung pag-uusapan ang relasyong Sino-Amerikano, ito ang relasyon sa pagitan ng pinakamalaking umuunlad na bansa at pinakamalaking maunlad na bansa. Aniya, nakahanda ang Tsina na itatag ang bagong relasyon ng malalaking bansa na may paggagalangan sa isa't-isa, pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, walang sagupaan at komprontasyon.
Winika ito ni Li nang sagutin niya ang may kinalamang tanong sa isang preskong idinaos pagkatapos ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).
Salin: Li Feng