Noong katapusan ng 2014, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang estratehiya ng "Four Comprehensives" upang mapasulong ang pambansang kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan. Kabilang dito ay komprehensibong pagtatatag ng katamtamang masaganang lipunan, komprehensibong pagpapalalim ng reporma, komprehensibong pagpapasulong ng pamamahala ayon sa batas, at komprehensibong buong-higpit na pangangasiwa sa Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ayon sa isang artikulo ng Xinhua, opisyal na ahensiya ng pagbabalita ng Tsina, nagsilbi itong batong-panulok ng katatapos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), punong lehislatura ng bansa at sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng bansa. Tinutukoy rin ng artikulo na ang Four Comprehensives ay magbubukas ng bagong pahina para sa modernisasyon ng pangangasiwa ng pamahalaang Tsino.
Salin: Jade