Inaprubahan kamakailan ng Pamahalaang Tsino ang pilot cross-border e-commerce zone na nakabase sa Hangzhou, lunsod ng Lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina.
Nakabase rin sa Hangzhou ang Alibaba, pangunahing e-commerce company ng Tsina.
Kasama ang Alibaba at iba pang e-commerce companies ng Tsina na gaya ng Jingdong, pumasok din sa pamilihan ng e-commerce ng Tsina ang mga dayuhang kompanya na tulad ng Amazon at eBay.
Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong 2014, mabilis ang pag-unlad ng cross-border e-commerce ng Tsina. Umabot sa 3.75 trilyong yuan RMB o 625 bilyong US dollar ang halaga nito, na mas mataas ng 39% kumpara sa taong 2013. Kabilang dito, umabot sa 476.3 bilyong yuan RMB o humigit-kumulang 80 bilyong US dollar ang pag-aangkat, na mas mataas ng 59% kumpara sa taong 2013.
Salin: Jade