|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, na dapat isagawa ang talastasan sa pagitan ng Amerika at Syria para malutas ang 4 na taon nang alitan sa bansa. Bilang tugon sa naturang pahayag, sinabi kahapon ni Bashar al Assad, Pangulo ng Syria na dapat isagawa ang aktuwal na aksyon ng mga mga bansang kanluranin sa halip ng pahayag lang.
Nang kapanayamin ng mass media, sinabi ni Bashar na unang-una, dapat itigil ng mga bansang kanluranin ang pagkatig na pulitikal sa mga terorista sa loob ng Syria, at itigil ang pagsuplay ng pondo at sandata sa kanila.
Ipinahayag kamakalawa ni Kerry na hindi maaaring lutasin ang alitan sa Syria sa pamamagitan ng paraang militar, dapat lutasin ito sa pamamagitan ng paraang pulitikal. Sa kasalukuyan, nagsisikap ang Amerika, kasama ng iba pang kinauukulang panig, para muling sisimulan ang kalutasan sa diplomatikong paraan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |