Sinabi kahapon ng Ministring Panlabas ng Pransya na, nagpahayag na ng intensyon ang Pransya, Alemanya at Italya na maging founding member ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Nauna rito, ipinahayag din ng Britanya ang intensyong sumapi sa AIIB. Umabot na sa apat ang bilang ng mga bansang Europeo na gustong sumapi rito.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministrong Panlabas ng Tsina na ang AIIB ay isang bukas na organisasyong multilateral at welkam ang lahat ng bansa na sumapi rito sa lalong madaling panahon, bilang founding member .
Ang AIIB ay nagtatampok sa pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura ng mga bansang Asyano. At ang punong himpilan nito ay nasa Beijing. Ang deadline ng aplikasyon para maging founding member ay ika-31 ng buwang ito.