Ayon sa Tanggapan ng Punong Ministro ng Singapore, nagiging mas malala ang sakit ni Lee Kuan Yew, dating Punong Ministro ng Singapore. Patuloy siyang nagpapagamot sa Intensive Care Unit (ICU).
Binibigyan ng lubos na pansin ng iba't-ibang sirkulo ng Singapore ang kalagayan ni Lee Kuan Yew. Ini-upload na ni Lee Hsien Loong, kasalukuyang Punong Ministro ng Singapore at siya ring anak ni Lee Kuan Yew, ang proklamasyong may kinalaman sa sakit ni Lee Kuan Yew, sa kanyang sariling website.
Salin: Li Feng