Pagkaraang iharap ng ilang bansang Europeo ang aplikasyon para lumahok sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ipinahayag kamakailan ng mga eksperto mula sa Timog-silangang Asya, na tama ang kapasiyahan ng naturang mga bansa.
Ipinalalagay ni Wichai Kinchong Choi, Senior Vice President ng Kasikornbank ng Thailand, na ang paglahok ng mga bansang Europeo sa AIIB ay pangunahing tunguhin. Dahil aniya, sa pamamagitan nito, makikinabang sila sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Asya.
Sinabi naman ni Bambang Suryono, political analyst mula sa Indonesya, na ang pagtatatag ng AIIB ay resulta ng pagbangon ng mga bagong-sibol na ekonomiya sa Asya. Aniya, ang paglahok ng mga bansang Europeo sa AIIB ay nagpapakitang gusto nilang tamasahin ang bungang dulot ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Asyano.
Salin: Liu Kai