Sa isang pulong na idinaos kamakailan, ipinahayag ng mga ministro sa kabuhayan ng iba't ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang malakas na pananalig sa prospek ng kabuhayan ng rehiyong ito. Binigyang-diin din nilang ang pagpapalalim ng integrasyong pangkabuhayan ay ibayo pang magpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng ASEAN.
Itinakda ng naturang mga ministro ang 5.1% na inaasahang karaniwang paglaki ng kabuhayan ng ASEAN sa taong ito, at ito ay mas mabilis kaysa 3.5% na target ng buong daigdig. Anila, ito ay dahil sa malakas na pangangailangan, kapwa galing sa mga maunlad na ekonomiya, at sa loob ng rehiyong ito.
Ipinalalagay din ng mga ministro na, sa pamamagitan ng integrasyon ng rehiyonal na kabuhayan, mapagtatagumpayan ng iba't ibang bansang ASEAN ang hamong dulot ng pagbaba-pagtaas ng kabuhayang pandaigdig. Samantala, ipinahayag nila ang kasiyahan sa mga natamong progreso sa pagbuo ng ASEAN Economic Community.
Salin: Liu Kai