LABING-PITONG mga Abu Sayyaf na detenido sa Basilan ang inilipat na sa Maynila kanina. Nagmula ang impormasyon sa Bureau of Jail Management and Penology.
Pagdating sa Maynila, dadalhin sila sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Dinala ang mga Abu Sayyaf sa Zamboanga City kagabi. May 17 mga pulis mula sa Basilan at walong provincial guards ang umalis sa Zamboanga City Airport at sumakay sa isang AFP C-130. Sangkot umano ang mga bilanggo sa isang jailbreak noong ika-19 ng Enero. Nasangkot din ang kapatid ni ASG commander na si Furuji Indama.
Tiniyak naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo, Jr. na magkakaroon ng mahigpit na seguridad para sa mga detenido. Walang dahilang binanggit sa paglilipat sa kanila.