NANAWAGAN si Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa pamahalaang Aquino na gawing prayoridad ang paglilitis at pagpapakulong sa mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng 44 na pulis sa napalpak na operasyon noong Enero sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon sa mambabatas, hinihiling ng mga naulila ang katarungan at nais nilang makitang nasa piitan ang ma may kinalaman sa krimen.
Idinagdag pa niya na sumang-ayon siya sa ulat na nilagdaan ni Senador Grace Poe na pinaslang ang mga pulis ng mga armadong mula sa Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Mayroon pa ring mga armadong hawak ng mga politiko.