Sa Jakarta — Ipinahayag kamakalawa ni Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na sa kasalukuyan, patungong Indonesia ang direksyon ng preperensyal na pang-kapit-bansang diplomasya at pakikipagkooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina.
Ani Yang, noong nagdaang Nobyembre, dumalo si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, at nakipagtagpo siya kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, kapwa ipinahayag ng dalawang lider na palalakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Sa susunod na linggo, bibisita si Joko sa Tsina para dumalo sa Boao Forum for Asia (BFA), dagdag niya.
Salin: Li Feng