Natapos kahapon sa Lausanne, Switzerland, ang isa pang talastasan sa pagitan ng Iran at anim na bansang may kinalaman sa isyung nuklear nito. Pero, walang narating na kasunduan sa talastasang ito.
Pagkatapos nito, nag-usap nang araw ring iyon sa telepono sina Pangulong Barack Obama ng Amerika at Pangulong Francois Hollande ng Pransya. Nanawagan sila sa Iran na isagawa ang mga hakbangin para lutasin ang mga naiiwang isyu ng talastasang nuklear. Anila pa, ang pagkakaroon ng pangmatagalan at komprehensibong kasunduan na maaring lumutas ng pagkabahala ng komunidad ng daigdig sa planong nuklear ng Iran ay target pa rin ng iba't ibang panig.
Ayon naman sa plano ng naturang mga panig, ang susunod na talastasang nuklear ay idaraos sa huling dako ng darating na linggo.