Inako kahapon ng Islamic State (IS) ang responsibilidad sa ilang pagsabog na naganap nang araw ring iyon sa Saana, kabisera ng Yemen, at Saada, lunsod sa kahilagaan ng bansang ito. Ang mga insidenteng ito ay ikinamatay na ng 159 na katao, at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa.
Pagkaraang maganap ang naturang mga insidente ng pagsabog, ipinatalastas kahapon ng Saudi Arabia ang pagkakaloob ng medikal na tulong sa Yemen, bilang pag-ayuda sa mga nasugatan.
Kinondena naman ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN at UN Security Council ang mga insidenteng ito. Binigyang-diin din nila ang paglaban sa lahat ng mga porma ng terorismo.