Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na bukas at inklusibo ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Positibo aniya ang panig Tsino sa kagustuhan ng mga bansa na lumahok sa bangkong ito.
Kaugnay ng pagharap ng ilang bansang gaya ng Britanya, Pransya, Alemanya, Italya, Luxembourg, at iba pa ng aplikasyon para lumahok sa AIIB, sinabi ni Hong na nagpahayag ang panig Tsino ng pagtanggap sa aksyon ng mga bansang ito. Kaugnay naman sa Timog Korea, Hapon, at Australya na pinag-aaralan pa ang paglahok sa AIIB, sinabi rin ni Hong na bukas ang panig Tsino sa anumang kapasiyahang gagawin ng mga bansang ito.
Dagdag pa ni Hong, isasagawa ang mataas na pamantayan sa pagtatatag ng AIIB, at hihiramin ang karanasan ng mga kaparehong organo, para igarantiya ang pagiging epektibo ng bangkong ito.
Sa isa pang may kinalamang ulat, pormal na nagharap ng aplikasyon kahapon ang Switzerland para lumahok sa AIIB bilang bansang tagapagtatatag.