MAY 165 mga manggagawang Filipino ang nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa loob ng linggong ito. Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, ang unang kopnan ay binubuo ng 39 na mga Filipinong dumating kaninang pasado alas tres ng hapon sakay ng Qatar Airlines Flight QR926 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1. Lima pa ang darating bukas sa ganap na alas dose ng tanghali sakay ng Philippine Airlines Flight PR 311 sa Terminal 2. Aabot na sa 4,414 ang bilang ng mga umuwing Filipino mula noong Mayo 2014.
Sinamahan sila ni Charge Adel Cruz hanggang sa makarating sa Tunisia upang makasakay pauwi sa Pilipinas. Inaayos pa ng embahada ang iba pang biyahe ng mga manggagawang Filipino.
Mayroon pang 4,000 mga Filipino ang nasa Libya. Mas makabubuti umanong ganmitin na nila ang repatriation program bago maging huli ang lahat.