NANINIWALA si Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na sa dinami-dami ng mga kalamidad at pagpapinsala ng kalakal, kailangan ang pagdaragdag na public investments sa disaster risk reduction lalo na sa research and development upang masuportahan ang mga programang magbabawas ng peligro para sa mga mamamayan.
Ito ang kanyang mensahe sa Ministerial Roundtable on Public Investment Strategies sa 3rd United Nations World Conference on Disaster Risk Reduction na idinaos kamakailan sa Sendai, Japan.
Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan, sa Pilipinas, ang public investments sa research and development o maging sa science and technology, ang nakikipagkumpetensiya sa fiscal resources na kailangan upang matugunan ang mga programa sa kalusugan, edukasyon, social protection at mga pagawaing-bayan.