|
||||||||
|
||
MASISIRA ang sinasabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na walang nagaganap na anumang welga sa Pilipinas tulad ng naganap noong 2014. May mga manggagawa ng isang malaklng kumpanyang Hapones na alyado ng Federation of Free Workers ang mag-aaklas anumang oras ngayong linggong ito.
Ayon kay Atty. Sonny Matula, pangulo ng FFW, ang Boie-Takeda Chemicals Employees Association ang nagkasundo sa kanilang balak na pagwewelga matapos magtangka ang kanilang kumpanya, ang Takeda Pharmaceuticals, Inc. na buwagin ang kanilang union at sabihang mag-apply na mula sa kanilang trabaho.
Ayon sa kanilang pangulo, Cecilia Villarama, hindi nila matatanggap na ang kanilang karapatang bumuo ng unyon ay mawawala sa kanilang mga mangagawa.
Dadalhin umano nila ang kanilang kausa sa Kongreso at sa mga lansangan upang isulong ang kanilang mga karapatan at magkaroon ng collective bargaining.
Sa panig ni Atty. Matula, mapanganib ang ginawa ng Takeda Pharma sapagkat mabubuwag nila ang unyon sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong kumpanya. Maliwanag umano ang "union busting" sa mga maneobrang legal.
Kung sakaling mabuwag ang unyon, mawawalan ng saysay ang Collective Bargaining Agreement na may bisa hanggang sa ika-31 ng Disyembre, 2017.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |