|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Takehiko Nakao, Puno ng Asian Development Bank (ADB).
Ipinahayag ni Li na maganda at mabunga ang kooperasyon ng Tsina at ADB. Hinahangaan din niya ang pagkatig ng ADB sa Tsina sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, pagbabawas ng kahirapan, at pagsasagawa ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan.
Kaugnay naman ng pagharap ng Tsina ng mungkahi hinggil sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), sinabi ni Li na ito ay naglalayong pabilisin ang connectivity sa rehiyong ito, at pasulungin ang kabuhayan at lipunan. Aniya pa, ang bangkong ito at mga umiiral na multilateral development banks ay komplemento sa isa't isa.
Ipinahayag naman ni Nakao na matagal na nakikilahok ang ADB sa reporma at pagbubukas ng Tsina, at malaki naman ang pagkatig ng Tsina sa ADB. Positibo rin si Nakao sa pagtatatag ng AIIB, at nakahanda aniya ang ADB na makipagkooperasyon sa AIIB.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |