Bago ang kanyang dalaw-pang-estado sa Tsina mula ika-26 hanggang ika-28 ng buwang ito, ipinahayag kamakailan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, na nagkakaroon ang kanyang bansa at Tsina ng bagong pagkakataon sa kooperasyon sa pamumuhunan at kalakalan. Umaasa aniya siyang daragdagan ng Tsina ang pamumuhunan sa konstruksyon ng imprastruktura ng Indonesya.
Sa kanyang pananatili sa Tsina, dadalo rin si Widodo sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia na gaganapin sa ika-28 ng buwang ito, at bibigkas siya ng talumpati hinggil sa connectivity sa rehiyong ito. Kaugnay nito, sinabi ni Widodo na mahalaga ang connectivity para sa Indonesya, at mahalaga rin ito para sa pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Liu Kai