Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagkaraang yumao si Dating Punong Ministro Lee Kuan Yew ng Singapore, nagpadala ng mga mensahe ang mga lider na Tsino na kinabibilangan nina Pangulong Xi Jinping, Premyer Li Keqiang, Tagapangulo Zhang Dejiang ng Pambansang Kongresong Bayan, at Pangalawang Premyer Zhang Gaoli sa kani-kanilang counterpart na Singaporean bilang pagpapahayag ng pakikiramay.
Isiniwalat din ni Hong na dadalo ang lider na Tsino sa seremonya ng paglilibing ni Lee Kuan Yew at mga iba pang aktibidad ng pagluluksa.
Salin: Liu Kai