|
||||||||
|
||
Kuhang larawan ng mga labi ng Flight 4U9525
Bumagsak kahapon sa kabundukan sa dakong timog ng Pransya ang Flight 4U9525 ng Germanwings, isang budget airline ng Alemanya. Malaki ang posibilidad na nasawi ang lahat ng 144 na pasahero at 6 na crew member sa eroplano.
Ang naturang eroplano ay isang Airbus A320. Lumipad ito mula sa Barcelona, Espanya, patungo sa Duesseldorf, Alemanya.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng panig Pranses ang operasyon ng pagliligtas, pero nahihirapan ito dahil hindi madaling mapuntahan ang lugar na pinangyarihan ng aksidente. Samantala, hindi pa alam ang sanhi ng pagbagsak. Narekober na ang isa sa dalawang black box o flight recorder ng eroplano, at sinusuri ito.
Pagkaraang maganap ang naturang aksidente, pawang nagpahayag ng kalungkutan ang mga pamahalaan ng Pransya, Alemanya, at Espanya, at binalak nilang isasagawa ang magkakasanib na imbestigasyon sa aksidente. Ayon naman sa impormasyon ng Amerika, walang kinalaman ang aksidenteng ito sa teroristikong pag-atake.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |