Naaprobahan kahapon ang tatlong pangkalahatang plano hinggil sa pagtatatag ng mga pang-eksperimentong free trade zone (FTZ) sa Guangdong, Tianjin, at Fujian ng Tsina. Naaprobahan din nang araw ring iyon ang plano hinggil sa pagpapabuti ng pang-eksperimentong FTZ sa Shanghai.
Ang pagtatatag ng mga pang-eksperimentong FTZ ay itinuturing na hakbangin ng pagpapalalim ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina, sa ilalim ng bagong kalagayan ng kabuhayang Tsino. Ito ay makakabuti sa pagbuo ng Tsina ng bukas na sistemang pangkabuhayan, at pagpapalakas ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan.
Salin: Liu Kai