Idaraos mula bukas hanggang ika-29 ng buwang ito sa Hainan, Tsina, ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) na may temang "Asia's New Future: Towards a Community of Common Destiny."
Lalahok sa kasalukuyang taunang pulong ang mahigit 2000 tauhan mula sa mga sirkulo ng pulitika, komersyo, akademiya, at media ng maraming bansa sa daigdig. Tatalakayin nila ang mga usapin hinggil sa pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, ASEAN Community, East Asian Economic Community, at iba pa.
Sa mula't mula pa'y itinataguyod ng BFA ang pagkakaroon ng kooperasyon at win-win situation. Ang kasalukuyang taunang pulong naman ay naglalayong palawakin ang komong batayan ng kapakanan ng mga bansa sa Asya, pasulungin ang mutuwal na kapakinabangan ng iba't ibang bansa, at palakasin ang rehiyonal na kooperasyon ng Asya.
Salin: Liu Kai