Bilang isang aktibidad ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa taong ito, idinaos ngayong araw sa Boao, Tsina, ang diyalogo ng mga alkalde at gobernador ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa papel ng kooperasyon ng mga pamahalaang lokal, at nilagdaan nila ang magkakasanib na pahayag.
Ayon sa pahayag, ang kooperasyon ng mga pamahalaang lokal ay mahalaga para sa mga proyektong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN, kaya dapat buuin ang isang plataporma para sa kooperasyong ito. Sinang-ayunan ng mga kalahok na maging regular ang diyalogo ng mga alkalde at gobernador, at idaraos ito taun-taon sa panahon ng taunang pulong ng BFA.
Salin: Liu Kai