Kaugnay ng mungkahi ng Amerika hinggil sa pagbuo ng mga bansang ASEAN ng magkasanib na puwersa sa dagat, at pagsasagawa ng patrolya sa South China Sea, ipinahayag kahapon ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang pananalitang ito ng panig Amerikano ay panunulsol.
Sinabi ni Geng na dapat igalang ng Amerika ang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyon ng South China Sea, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito, at itigil ang pagpapalabas ng mga di-responsableng pananalita. Hiniling din niya sa Amerika na huwag maghasik ng hidwaan sa pagitan ng ibang bansa, at huwag sadyang lumikha ng tensyon.
Salin: Liu Kai