Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng BFA, idinaos

(GMT+08:00) 2015-03-28 14:24:44       CRI

Xi Jinping, bumibigkas ng keynote speech

Idinaos ngayong araw sa Boao, Tsina, ang seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA). Kaugnay ng tema ng kasalukuyang taunang pulong na "Asia's New Future: Towards a Community of Common Destiny," bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Sinabi ni Xi na para itatag ang Community of Common Destiny, dapat isakatuparan ang paggagalangan at pagkakapantay-pantay ng iba't ibang bansa, dapat igiit ang kooperasyong may win-win result at komong pag-unlad, dapat pangalagaan ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng seguridad, at pasulungin ang sabay-sabay na pag-iral ng iba't ibang sibilisasyon.

Sinabi rin ni Xi na igigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng lahat ng mga bansang nakapaligid, na lagdaan ang Treaty of Good-Neighborliness and Friendly Cooperation, bilang garantiya sa pag-unlad ng bilateral na relasyon, at sa kasaganaan at katatagan ng rehiyong ito.

Xi Jinping at mga lider ng ibang bansa na kalahok sa BFA

Kaugnay ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan, sinabi ni Xi na magsisikap ang Tsina, kasama ng ASEAN, para tapusin sa taong ito ang talastasan hinggil sa upgraded version ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) at talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Aniya pa, magsisikap din ang ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea para itatag ang East Asian Economic Community sa taong 2020.

Kaugnay naman ng pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road," at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), sinabi ni Xi na ang dalawang bagay na ito ay komplemento, sa halip ng kahalili, sa kasalukuyang mga mekanismo at mungkahi hinggil sa kooperasyong panrehiyon. Dagdag pa niya, ang mga ito ay bilang tugon sa pangangailangan sa pag-unlad ng Tsina at iba't ibang kalahok na bansa, at angkop sa komong interes ng iba't ibang panig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>