Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi, ipinangako sa mga dayuhang bahay-kalakal ang mas maraming oportunidad sa Tsina

(GMT+08:00) 2015-03-30 09:26:57       CRI

BOAO, Tsina—Ipinangako kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga bahay-kalakal na dayuhan ang mas maraming oportunidad sa bansa.

Ipinahayag ito ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo sa apatnapung (40) mangangalakal na Tsino at dayuhan sa sidelines ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia na katatapos sa Boao, lalawigang Hainan sa timog ng Tsina.


Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina (pang-apat mula sa kaliwa ng hanay sa likuran) habang lumalahok sa isang symposium ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan sa sidelines ng katatapos na taunang pulong ng Boao Forum for Asia.

Ipinaliwanag ng pangulong Tsino na ang New Normal ng kabuhayan ng Tsina na nagtatampok sa kalidad ng pag-unlad, at mga inisyatibong iniharap ng Tsina na gaya ng pagtatatag ng Silk Road Fund at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa mga bahay-kakal na dayuhan.

Idinagdag pa ni Pangulong Xi na kasabay ng pagpapasulong ng Tsina ng New Normal ng kabuhayan at pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, dalawang inisyatibong tinatawag ding "One Belt, One Road", palalakasin din ang pagtutulungang pangkabuhayan ng Tsina at mga bansang dayuhan. Magdudulot ito aniya ng mas maraming pagkakataong pangkooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan.

Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang, sa susunod na sampung taon, makakalampas sa 2.5 trilyong US dollar ang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.

Dagdag pa ni Pangulong Xi, na ibayo pang magbubukas ang Tsina, hindi magbabago ang patakaran ng Tsina sa paggamit at paghikayat sa puhunang dayuhan, hindi magbabago ang pangangalaga sa karapatan at interes ng mga bahay-kalakal na dayuhan, at hindi rin magbabago ang direksyon ng pagkakaloob ng mas mabuting serbisyo para sa mga kompanyang dayuhan.

Sinabi rin ni Pangulong Xi na sa hinaharap, malawak ang potensyal ng konsumo ng mga mamamayang Tsino, kaya, maganda ang prospek ng mga bahay-kalakal na maaaring magkaloob ng dekalidad na produkto at serbisyo.

Photo source: Xinhua

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
BFA
v BFA 2015 2015-03-25 14:32:56
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>