|
||||||||
|
||
Mga Singaporeano na nagtitipun-tipon sa kalsada habangpinapanood ang pagdaan ng isang military gun carriage na naglululan sa kabaong ni Lee Kuan Yew. Pagkaraan ng libing-pang-estado para kay G. Lee, ang kanyang labi ay ipapadala sa Mandai Crematorium
Sa ngalan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at pamahalaang Tsino, lumahok dito si Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo ng Tsina.
Iniabot ni Li ang mensahe ni Pangulong Xi kay Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore. Ani Xi, si G. Lee Kuan Yew ay tagapagtatag ng Republika ng Singapore at isa ring diplomata at estratehistra na iginagalang ng komunidad ng daigdig. Idinagdag din ni Xi na bilang tagapagtatag at tagapagpasulong ng relasyon ng Tsina at Singapore, nakapagbigay ng kahanga-hangang ambag si G. Lee sa pagpapasulong ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ang Singapore, na igiit at ibayo pang paunlarin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at samantalahin ang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong Sino-Singaporean na natatapat sa taong ito, para ibayo pang mapalalim ang pagtutulungan at makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Photo source: Xinhua
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |