Ayon sa "Ulat ng Pag-aanalisa sa Cellphone Security Market" na isinapubliko kamakailan ng Sootoo Institute ng Tsina, noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, umaabot sa 469 na bilyon ang bilang ng mga cellphone security software user ng Tsina.
Ayon pa sa imbestigasyon, pinakamalaki ang pangangailangan ng mga cellphone user sa pangangalaga sa kanilang mobile payment. Bukod dito, pinahahalagahan ng parami nang paraming gumagamit ng cellphone ang tungkulin ng mga software sa pangangalaga sa kanilang personal privacy.
Salin: Li Feng