|
||||||||
|
||
Isasagawa ng Malaysia sa unang araw ng Abril ang "Goods and Services Tax" (GST), bagong consumption tax. Dahil dito, nagkaroon ng panic buying noong nakaraang weekend. Maraming Malaysiyano ang bumili ng mga pang-araw-araw na paninda na gaya ng powdered baby milk, bigas, kape at iba pa.
Ang tax rate sa GST ay aabot sa 6%, at kabilang dito ang mga inaangkat na paninda at serbisyo.
Pero, ayon sa patakaran ng pagpapataw ng buwis, wala dapat GST ang mga pagkain at iba pang kinakailangang bagay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Narito ang GST exemption list:
1. Pagkain
2. Tsokolate , Kendi
3. Alak , Sigarilyo , Tabako
4. Produktong gawa sa balat ng hayop
5. Toiletries
6. Tela , Damit, Mga aksesorya sa pananamit
7. Sapatos , kasuotan sa ulo
8. Mga Pinggan , baso ( ceramic , porselana , salamin )
9. Alahas
10. Metal
11. Typewriters , Mga Computer
12. Mga kasangkapan sa loob ng tahanan
13. Telepono
14. Mga audio at video media
15. TV receiver, cassette video recorder , radio-broadcast receiver
16. Mga laruan , laro
17. Lighter, panulat ( plastic )
18. Produktong pampalakasan
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |