|
||||||||
|
||
Mga kaibigan, pamilyar ba kayo sa Hanfu? Ano ito ka n'yo? Ito ang tradisyonal na kasuotan ng Tsina. mayroong isang naidinaos kahapon sa Hefei three Town Ruins Park, kabisera ng Lalawigang Anhui, Tsina. Pero, sa halip na kasalan sa simbahan, isang tradisyonal na mass wedding ang ginanap, at ang atmospera ay parang bumalik sa matandang panahon.
Tatlumpu (30) pares ang lumahok sa kasalang ito. Nakasuot sila ng maluwag na robe na may mahabang manggas, natatanging kasuotan ng Han Dynasty (202BC—220BC) at isinagawa ang mga seremonya.
Ang Hanfu ay mga kasuotan ng Etnikong Han mula panahon ng HuangDi, (2717BC-2599BC), hanggang noong ika-17 sigo (katapusan ng Ming Dynasty hanggang simula ng Qing Dynasty). Sa tirahan ng mga Etnikong Han, ang kanilang ideya at kaugalian ay nagmumula sa kulturang "Huaxia o Han." Ang pinakamahalaga sa kulturang ito ay good manners. At pinahahalagahan nila ang mga kasuotan. May impluwensiya rin ang Hanfu sa mga kasuotan ng mga bansang Hapon, Timog Korea, Biyetnam, Mongolia, Bhutan, at iba pang bansa.
Kabilang sa mga seremonya ginawa sa kasalan ay ang Bai Tang o pagbibigay ng 3 bows ng mga mag-asawa sa una: langit at lupa, pangalawa: sa mga magulang, at pangatlo: sa isa't isa; Wo Guan o paghugas ng mga kamay, Dui Xi o pag-upo sa harap ng isa't isa, Tong Lao o pagkain ng karne ng isang hayop, at iba pa.
Ang nasabing kasalan ay solemna, masaya at masigla pero hindi maingay.
Ang Wo Guan o paghugas ng mga kamay
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |