Sa preskon ng ika-7 talastasan hinggil sa pambansang tigil-putukan ng Myanmar, ipinatalastas kahapon ng mga kinatawan mula sa pamahalaan at mga lokal na armadong puwersa ng bansang ito, na narating nila ang komong palagay hinggil sa lahat ng mga nilalaman ng kasunduan sa pambansang tigil-putukan. Anila, may pag-asang lalagdaan ang kasunduang ito sa malapit na hinaharap.
Ipinahayag din ng mga kinatawan na ang paglalagda sa kasunduan sa pambansang tigil-putukan ay unang hakbang tungo sa pagbibigay-wakas sa digmaang sibil ng Myanmar, at pagsasakatuparan ng kapayapaan ng bansa. Dagdag pa nila, ang naturang kasunduan ay sasaklaw sa lahat ng mga lokal na armadong puwersa, at walang eksepsyon.
Salin: Liu Kai